-- Advertisements --

Nasampahan na ang kaso ang driver ng isang sasakayan na umararo sa mga matataong lugar na ikinasawi ng anim na katao sa bansang Belgium.

Naghahanda na ang mga tao na dadalo sana sa tradisyunal na parada sa Strépy-Bracquegnies, may layong 30-kilometers ng Brussels.

Dahil sa insidente ay agad na nasawi ang anim na katao habang itinakbo naman sa pagamutan ang mahigit 40 iba.

Mabilis na naaresto ang driver ng sasakyan maging ang mga kasamahan nito.

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang motibo sa insidente.