-- Advertisements --
Patay ang anim na katao habang inaakyat ang Klyuchevskaya Sopka volcano sa Russia.
Ayon sa mga kapulisan na nagpasya ang grupo ng 12 katao kabilang ang dalawang guides na umakyat sa 15,597 talampakan na bulkan.
Subalit nagkaroon ng aberya ng mahulog ang dalawa nilang kasama.sa halos 4,200 metro na taas.
Hindi agad na nailigtas ang mga bikitma dahil sa kapal ng yelo at lakas ng hangin sa nasabing lugar.
Tinatayang aabot ang temperatura ng hanggang minus 14 degrees Celcius sa magdamag.
Noon pa man ay patuloy ang pagbabala ng mga otoridad na mahigpit na pinagbabawal ang pag-akyat dahil ang bundok na gawa sa volcanic rocks at may halong yelo na nagdudulot ng kapahamakan sa mga hikers.