Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na sakay ng bangkang tumaob sa Cuyo, Palawan.

Sinabi ni PCG spokeperson Captain Armand Balilio, patungo sa Agutaya, Palawan mula sa Cuyo ang bangka ng ito tumaob nitong nakalipas na Linggo ng gabi.

Itinuturong dahilan sa pagtaob ay ang malalaking alon at malakas na hangin.

Nasa kustodiya pa rin ng mga PCG station sa Cuyo ang mga nailigtas na biktima.