-- Advertisements --
Tatlo na namang games ang kinansela ng NBA kasunod na rin ng pagkakahawa ng ilan pang players sa COVID 19.
Ang dalawang makasunod na laban ng Cleveland Cavaliers at Washington Wizards bukas at sa Lunes ay na-postpone muna.
Ito ay makaraang anim na mga players ang kinapitan ng deadly virus.
Hindi umano umabot sa 8 minimum players ang Wizards
Sa kabuuan siyam na mga players na ng Wizards ang nasa ilalim sa health protocols.
Bago ito inanunsiyo din ng NBA ang pagpapaliban sa laro ng Memphis Grizzlies at Minnesota Timberwolves.
Ito na ang ika-12 mga games na kinansela bunsod ng pandemya.