-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Naaresto ng militar ang anim na mga myembro ng New Peoples Army (NPA) sa engkwentro sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nahuli na sina Leonardo Ejanel alyas gamay, 37 anyos, siyang commander ng Guerilla Front 51; Ryan Desalao, 20 taong gulang at Merlyn Benano Bentang, 20 taong gulang, 5 buwang buntis at talong iba pa na di pinangalanan na mga residente ng Barangay White Kulaman, Kitaotao, Bukidnon.

Matatandaan na nagsagawa ang tropa ng 72nd Infantry Battalion Philippine Army at NPA sa hangganan ng Barangay Tawas at White Kulaman ng Kitaotao, Bukidnon at Barangay Kulaman Valley Arakan, Cotabato.

Nahuli ng militar ang anim na mga NPA at sinabi nito na inilibing nila ang kanilang mga armas sa Sitio Kiawran, Barangay Datu Inda Upper President Roxas, North Cotabato.

Hinukay at narekober ng 72nd IB ang tatlong M16 Armalite rifles,15 magazine,mga bala,medical paraphernalia, mga pagkain at iba pang mga personal na kagamitan.

Nanawagan ang militar sa mga natitirang miyembro ng Terrorist Groups na kumikilos sa North Cotabato at Bukidnon na sumuko at isaalang-alang ang peace initiative ng gobyerno sa ilalim ng End Local Communist Armed Conflict o ELCAC at simulan ang pamumuhay ng mas makabuluhan kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.