-- Advertisements --
DFA HAMAS

Iniulat ng Department of Foreign Affairs na mayroon pa ring mga Pilipinong nananating unaccounted sa Israel sa gitna ng pananalakay ng militanteng grupong Hamas sa ilang bahagi nito.

Ayon kay DFA Undersecretary For Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, batay sa kanilang pinakahuling datos na nakalap ay mayroon pang anim na mga Pinoy sa nasabing bansa ang nananatiling unaccounted.

Taliwas ito sa una nang sinabi ng mga overseas Filipino workers sa Israel na umabot na raw sa 8 mga kababayan natin ang nawawala.

Kaugnay nito ay sinabi rin ni De Vega na ang naturang datos na iniulat ng mga OFW ay kasalukuyan nang kinukumpirma ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Israel.

Samantala, bukod dito ay may mga napaulat din na mayroon nang dalawang Pilipino kasalukuyang nasa mga pagamutan ngayon matapos na masugatan nang dahil pa rin sa pag-atake ng militanteng grupong Hamas.

Matatandaang noong nakalipas na Sabado unang nagsagawa ng pag-atake ang naturang grupo sa pamamagitan ng pagpapakawala ng rockets, at pagpapakalat ng gunmen sa iba’t-ibang bayan sa Isreal na nagdulot naman ng pagkasawi ng libo-libong mga indibidwal.

Dahil dito ay naglabas na ng “state of war alert” ang Home Front Command ng Israel.