-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa anim na mga Philippine army umano sa Southern Luzon Command ang kasalukuyang positibo sa coronavirus disease.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col Dennis Caña, tagapagsalita ng Southern Luzon Command sinabi nito na ang nasabing mga sundalo ay mga asymptomatic at agad namang ipinadala sa Metro Manila.

Ayon dito ito ay ang mga sundalong tumutulong sa isinasagawang contact tracing kasama ng mga barangay health workers.

Samantala, nasa 16 naman na mga sundalo ang gumaling na sa nasabing sakit at kasalukuyang nakabalik na sa kanilang serbisyo.

Sa ngayon ayon kay Caña mahigit na sa isang milyon na ang kanilang isinailalim sa test dahil sa COVID-19.