-- Advertisements --
Niyanig ng sunod-sunod na lindol ang ilang bahagi ng Southern Luzon at Western Visayas ngayong araw.
Pinakamalakas dito ang 4.8 magnitude na naramdaman kaninang umaga sa isla ng masbate at mga karatig na lugar.
Intensity VI – Mobo, Masbate
Intensity V – Masbate City
Intensity IV – Aroroy and Baleno, Masbate
Intensity III – Batuan, Masbate
Intensity II- San Jacinto, Masbate; Ajuy, Iloilo
Intensity I – Passi City, Iloilo
Instrumental Intensities:
Intensity V – Masbate City
Intensity I – Passi City, Iloilo
Maliban dito, nagkaroon pa ng limang aftershocks sa kaparehong mga lugar.
Sa ganitong lindol, posible umano ang minimal na pinsala, lalo na sa mga lugar na dati nang may nakitang bitak dahil sa nakaraang lindol, landslide o soil erosion.