Inaresto ang anim na Chinese nationals at isang Pilipino na umano’y nagsasagawa ng aborsyon o pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan at pagbebenta ng abortion drugs sa isang sekretong ospital sa Parañaque City ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Base sa police report, ang pitong indibidwal ay naresto sa Tambo, Parañaque City matapos ang ilang linggong surveillance.
Ayon sa NCRPO, isang informant ang nag-alerto sa kapulisan kaugnay sa pagbebenta ng mga medisina na ginagamit sa aborsyon gayundin ang pagsasagawa umano ng abortion procedures.
Nasamsam ng mga kapulisan sa isinagawang raid sa naturang clinic ang iba’t ibang gamot kabilang ang abortion pills.
Nasa kustodiya na ng NCRPO ang mga suspek para sumailalim sa imbestigasyon at humaharap sa illegal practoce of medicine sa ilalim ng Republic Act 2382 o ang Medical Act of 1959 at paglabag ng Food, Drug, and Cosmetic Act o RA 3720.