-- Advertisements --

Anim na barangay ngayon sa Himamaylan, Negros Occidental ang nakaranas ng problema sa supply ng tubig nang dahil sa matinding init ng panahon na dulot ng El Nino phenomenon.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, sa ngayon kabilang sa mga tinukoy na barangay ay ang Himamaylan, Cabadiangan, Nabalian, Carabalan, Su-ay, To-oy, Buenavista.

Sa ulat, sinasabing noong Disyembre pa ng taong 2023 nagsimulang makaranas ng problema sa water supply ang mga nabanggit na mga barangay.

Ayon sa NDRRMC, kasalukuyan na itong inaaksyunan ng mga kinauukulan sa pamamagitan ng pagrarasyon ng supply ng tubig sa mga apektadong lugar partikular na sa kanilang mga central areas.

Samantala, bukod sa naturang mga barangay mula sa Negros Occidental ay nakakaranas din ng limitadong suplay ng tubig ang Zamboanga City.

Nabatid na umabot na sa mahigit Php1-billion ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Nino phenomenon sa sektor ng agrikultura kung saan Western Visayas ang may pinakamalaking pinsalang natamo batay pa rin sa datos ng NDRRMC.