Muling dinagdagan ni US President Donald Trump ang listahan ng mga bansa kung saan kasalukuyang ipinatutupad ang travel ban.

Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation 9645 o travel ban na magbabawal sa mamayan ng mga piling bansa na pumasok sa Estados Unidos sa oras na hindi ito makiisa sa national security requirements ng nasabing bansa.

Sa inilabas na proklamasyon ng American president, pinasususpinde nito ang pagbibigay ng immigrant visa sa mga taong mula sa Myanmar, Eritrea, Kyrgyzstan at Nigeria.

Pinatitigil din ng administrasyon ang partisipasyon ng mga mamamayan mula sa Sudan at Tanzania para naman sa Diversity Immigrang Visa Program o mas kilala bilang Visa Lottery.

Nilinaw naman ng White House na hindi ma-aaplay sa mga turista, negosyo at nonimmigrant travel.

-- Advertisement --

“The Administration will work with the non-compliant countries to bring them into compliance with United States security standards,” saad sa pahayag.