-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinataya ni Bradley Asa, ang Communication and Dissemination Officer ng Papua New Guinea Red Cross Society na aabot sa pito hanggang walong libong mga inbibidwal ang apektado sa malawakang landslides na naganap sa Enga Province.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na anim na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang insidente kungsaan 42-porsiento umano sa apektado ay nasa edad na 60-ayos pababa.

Mahigit isang libong kabahayan umano ang natabunan sa lupa, putik at naglalakihang bato.

Nakikipag-ugayan na sila sa kasundaluhan at iba pang mga kaukulang ahensya ng gobyerno upang mapadali ang kanilang recovery operation dahil sa dami ng mga bahay, imprastraktura gaya ng mga daan, mga paaralan at iba pa ang nasira.

Sa ngayo’y anim pa lamang na mga bangkay ang kanilang narekober ngunit inaasahan nilang tataas pa ito dahil sa nagpapatuloy na search, rescue and retrieval operations.

Malaking challenge din umano sa kanilang operasyon ang maya’t mayang pag-uuga ng lupa.