-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Anim na mga myembro ng private armed groups (PAGs) sa lalawigan ng Maguindanao ang kusang sumuko sa pulisya.

Ang grupo ay pinangunahan ni Bobby Pananggalan,dating Brgy Chairman ng Barangay Indatuan Northern Kabuntalan Maguindanao at lider ng Pananggalan Private Armed Groups.

Ang limang tauhan ni Pananggalan ay kinilala na sina Ket Guiaman,Amirudin Talitay,Norodin Andikat,Panoy Cantero at Tol Amilon.

Sumuko ang mga rebelde sa PRO-BARMM headquarters sa Parang, Maguindanao.

Ito ay upang masiguro ang kanilang kaligtasan at ng kanilang pamilya.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang Mini Uzi Cal. 9mm pistol, M-14 rifle, homemade M-79 grenade launcher, cal. 50 sniper rifle,mga magazine at mga bala.

Sumuko ang grupo ni Pananggalan sa pamamagitan ng Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop operations.

Pinasalamatan ni PRO-BAR Regional Director Brig. Gen. Samuel Rodriguez si Northern Kabuntalan Mayor Umbra “Ramil” Dilangalen sa tulong nito para sumuko ang anim.

Hiniling din niya sa iba pang armadong grupo na sumuko na din.

Samantala, pinuri naman ni Rodriguez ang mga operating units na nagpasuko sa anim ng mga rebelde.