Arestado ang 6 katao sa isinagawang Anti-Illegal Gambling operation sa peryahan ng bayan sa barangay Anambongan at Navatat sa Basista, Pangasinan.
Ayon kay PLT Bonald Paragas, deputy chief of police ng Basista PNP, kinilala ang mga naaresto na sina Avelino Datuin, 67 anyos, may asawa, Bertito Frias, 50 anyos, may asawa, Leonardo Sayson, 70 anyos, balo, Luisa Peralta, 48 anyos pawang residente ng Brgy. Anambongan, Basista habang sa barangay Navatat ay kinilala naman ang mga naaresto na sina Leonardo Frias, 51 anyos, may asawa at Bobby Frias, 27 anyos, binata.
Nakuha mula sa mga ito ang bet money na nagkakahalaga ng P2,840, assorted na piraso ng “lastillas” o listahan ng pataya, walong piraso ng ball pen, at iba pang gambling paraphernalia.
Sinabi ni Paragas na naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng joint operation ng Provincial Intelligence Unit ng Pangasinan Police Unit at Basista BNP.
Giit niya na ang peryahan ng bayan ay illegal dahil wala pang kaokolang permit mula sa PCSO.
Lumalabas sa imbestigasyon na matagal na silang sangkot sa nabanggit na sugal.
Nabatid na nasupresa sila sa isinagawang operasyon ng kapulisan kaya hindi na nila nagawang tumakas pa.
Sa ngayon ay sinampahan na ang mga inaresto ng kasong paglabag sa P.D. 1602 ng inamiendahang R.A. 928.