Nagsimula na umanong tumaas ang presyo ng mga basic goods kasabay nang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association (Pagasa) president Steven Cua, ang presyo raw ngayon ng basic necessities at prime commodities ay tumaas ng 4 hanggang 6 percent.
Ang ibang goods naman gaya ng body lotion o facial cream ay nagtaas na rin ng 8 hanggang 15 percent.
Mas mataas naman ang increase sa presyo ng mga food mixes at enhancers na nasa 24 percent.
Sinabi ni Cua na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay dahil na rin daw sa mas mataas na logistics at production costs.
Ito ay epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Kung maalala, kahapon nang nagpatupad ang mga oil companies ng ika-11 na oil price hike.
Pumalo sa P13 pesos at 15 centavos ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P7 pesos at 10 centavos naman sa gasolina.