Sinabi ng Malacanang na wala pang eksaktong bilang ng mga heads of state na makakadaupang palad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagtungo sa Estados Unidos.
Maliban kasi sa UN General Assembly, inaasahan din ang bilateral meetings ng mga dadalo sa event.
Pero sa hiwalay na pahayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, maaaring anim na lider ang makaharap ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Romualdez, kabilang sa mga posibleng makausap ng ating presidente sina Japanese Prime Minister Fumio Kishida, Malaysian Prime Minister Ismail Sabri Yaakob, habang ang iba ay hindi muna nito tinukoy.
Inaasahang maglalabas ang Malacanang at Department of Foreign Affairs (DFA) ng pinal na listahan ng mga aktibidad ng pangulo sa mga susunod na araw.