-- Advertisements --

Natuldukan na ang 6-game losing streak ng Golden State Warriors matapos talunin kanina ang Houston Rockets,

Naging sentro muli ng opensa ng Golden State ang splash brothers na sina Klay Thompson at Stephen Curry: 30 points ang ipinasok ni Curry habang 20 points naman ang kontribusyon ni Klay.

Malaki rin ang naging kontribusyon ni Chris Paul na nag-ambag ng 15 points 12 assists, at pitong rebounds.

Para sa Rockets, nanguna si Alperen Sengun sa pamamagitan ng 28 points 12 rebounds double-double performance habang 17 points 10 rebounds naman ang naging ambag ni jabari Smith jr.

Sa huling kwarter ng laro, pinilit ng Rockets na habulin ang hanggang sampung puntos na kalamangan ng Warriors ngunit hindi pa rin nagawa matapos ang magandang depensa ng GS.

Ang naging panalo ng Warriors laban sa Rockets ay ang unang panalo ng koponan matapos ang anim na magkakasunod napagkatalo.

Ito naman ang ika-anim na pagkatalo ng Rockets ngayong season, hawak at anim ding panalo.

Sa araw ng Huwebes, nakatakda namang harapin ng Warriors ang Phoenix Suns, para sa ika-anim na match nito ngayong season.