-- Advertisements --

May nadagdag pa sa bilang ng test kits brands na inaprubahan ang Food and Drug Administration (FDA) para sa detection ng coronavirus disease (COVID-19).

Screenshot 2020 03 25 15 52 41
IMAGE | List of COVID-19 test kits approved by FDA/FDA website

Sa kasalukuyan, 10 brand na ng test kits mula sa ibang bansa ang maaaring gamitin for commercial use dahil sa basbas ng ahensya.

Noong March 20 inaprubahan ng FDA ang paggamit ng test kits na mula South Korea, Singapore at Germany.

Simula naman nitong Lunes, March 23, may dalawang brand pa ng pang-test sa COVID-19 na in-approve ang ahensya na mula naman sa United Kingdom at Spain.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kasalukuyan pang nasa field trials ang dinevelop na test kits ng University of the Philippines-National Institute of Health.

Kailangan din daw muna nitong makakuha ng clearance mula sa FDA para payagang magamit for commercial use.

“Sa ngayon ang ating UP-NIH testing kits ay nagkakaroon ng field trial. Ito ay magtatagal ng mga dalawa hanggang tatlong linggo.”

“Tatapusin muna yung field trial na ginagawa nila at pagkatapos ay kailangan pa rin nila kumuha ng clearance mula sa FDA. Itong lahat ay kailangang pagdaanan pa ng testing kits ng UP-NIH bago magamit ng ating communities.”