Inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) chief Enrique Manalo na anim sa 16 na proyekto sa limang inisyal na lokasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay matatapos ngayong taon.
Aniya, nagkaroon ng makabuluhang pag-unlad sa walo sa natitirang 16 na proyekto sa limang orihinal na napagkasunduan na mga lokasyon.
Anim sa mga proyekton ang tinatayang matatapos sa 2023.
Kabilang sa mga proyektong ito ang runway project sa Basa Air Base, storage facility sa Mactan Air Base, at ang humanitarian assistance at disaster response warehouse sa Fort Magsaysay.
Kinumpirma rin ni Manalo na limang EDCA projects pa lang ang natapos sa kasalukuyan.
Dagdag dito, sinabi ng DFA na naglaan ang United States ng karagdagang $18 million para sa pondo ng EDCA sites.
Sa kabuuan, ang US ay naglaan mahigit $100 million para sa mga proyekto ng mga sites para sa 2023.
Kamakailan ay inihayag ng Malacañang ang apat na bagong EDCA sites:
Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan
Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan
Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela
Balabac Island sa Palawan.