Naisapinal na ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang ipapatupad na liqour ban sa mga piling lugar sa lungsod, kasabay ng 2023 Bar Examination.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, ipapatupad ng LGU ang liqour ban sa loob ng 500 meter radius ng San Beda College Alabang na siyang magsisilbing testing center at main headquarters.
Ipapatupad naman ang liqour ban sa mga sumusunod n araw: September 16-17, September19-20, at September23-24, mula 9PM ng unang araw hanggang 10pm ng susunod na araw.
Paliwanag ng alkalde, ang nasabing hakbang ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga examinees, Bar officials, at iba pang bisita.
Kasabay nito ay hinikayat naman ng alkalde ang mga residente na nakatira malapit sa naturang unibersidad na sundin ang naturang hakbang.
Pagtitiyak ng alkalde na mahaharap ang sinumang lalabag dito sa kaukulang multa at kaparusahan.