-- Advertisements --

Mahalaga ang testimonya ni Lemuel Ortonio, dahil nagpatibay umano ito sa mga alegasyon ng iregularidad sa paggamit at liquidation ng confidential funds.

Ito ang inihayag ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.

Sinabi ni Luistro, kinumpirma ni Ortonio ang ilang isyu sa pag-request, pag-release, paggamit at pag-liquidate ng pondo alinsunod sa Joint Circular No. 2015-01.

Kabilang dito ang P250 milyong hiningi ng Office of the Vice President (OVP) noong Agosto 22, 2022 na walang kalakip na computation, projection at Physical and Financial Plan (PFP). Naaprubahan at naipasa lamang ang PFP halos isang buwan matapos ang request.

Ayon kay Luistro, nagkatugma ang testimonya nina Ortonio at dating special disbursing officer Gina Acosta na ang kanilang mga ginawa kaugnay ng pondo ay batay sa utos ng head of agency.