-- Advertisements --

Nasa anim na bata ang nasawi habang 17 ang sugatan ng pagbabarilin ng Myanmar army helicopters ang isang paaralan.

Hinala kasi ng mga militar na nagtatago ang mga rebeldeng grupo na kanilang tinutugis sa nasabing mga paaralan.

Matatagpuan ang nasabing paaralan sa Buddhist monastery sa Sagaing, Myanmar.

Ginagamit umano ng mga Kachin Independence Army na isang rebeldeng grupo ang nasabing paaralan bilang pinagtataguan nila ng mga armas.