MANILA – Posibleng umakyat sa 27 ang bilang ng mga bansang may travel ban papuntang Pilipinas, dahil sa binabantayang banta ng bagong COVID-19 variant.
Kinumpirma ni Usec. Maria Rosario Vergeire, na naghain na ng rekomendasyon ang Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) para mapatawan din ng travel ban ang anim na iba pang bansa.
“DOH, DFA recommended the addition of 6 countries with official reports confirming the detection of the UK variant,” ani Vergeire sa isang media forum.
“Until Jan 15 we are restricting travel from countries with confirmed UK variant.”
Wala pang binanggit na mga bansa ang DOH official.
Sa kasalukuyan, 21 bansa ang pinatawan ng paghihigpit sa biyahe papuntang Pilipinas dahil sa naitalang kaso ng bagong COVID-19 variant sa kanilang mga estado.
Kabilang na rito ang United Kingdom, kung saan unang naitala bagong variant; at Estados Unidos.
“The mandatory completion of 14 day quarantine and isolation period regardless of their RT-PCR results have been ineffect in our international ports of entry for all passengers with travel history from countries not included in the travel ban list.”
Binigyang diin ng DOH spokesperson na sa ngayon ay wala pang nade-detect na UK variant mula sa 305 positive samples na pinag-aralan ng Philippine Genome Center.
Kabilang ang “genome sequencing” o pagtukoy sa identity ng virus, sa mga dagdag na hakbang ngayong ng pamahalaan sa pagbabantay ng bagong COVID-19 variant.
Pinaalalahanan naman ng Health department ang publiko na sundin pa rin ang minimum health standards para maiwasan anumang banta ng coronavirus.
“We are still reminding everybody that everyone must strictly comply with the minimum health standards. Napakahalaga nito ngayon lalo na’t may banta ng bagong variant.”