Panibagong anim na mga overseas Filipinos ang kumprimadong kinapitan din ng COVID-19.

Iniulat ng DFA na sa ngayon nasa 10,417 na ang kabuuang nahawa sa coronavirus.

Isa naman ang panibagong nasawi na OFW para umakyat na sa 779 ang kabuuang mga namatay.

Samantala meron ding 10 na mga nakarekober sa naturang sakit.

“To date, the Middle East remains to be the region with the most number of confirmed COVID-19 cases, recoveries, under treatment, and fatalities among our nationals,” ani DFA sa social media post. “The Americas now has the least numbers in all categories compared to other geographic regions, except in the total number of fatalities, wherein Asia and the Pacific ranks the lowest.”