Arestado ang anim na magkakaibigan sa isinagawang anti-drug operations sa Quezon City.

Umabot sa pitong gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek na may halagang aabot sa P50,000.

Target ng operasyon si alyas Ely kung saan ng isinagawa ang operasyon ay nadatnan ang limang mga kasama nito.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga suspek.