Binigyang diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang September 2022 inflation na naitala sa 6.9 percent ay nasa loob pa ng target ng BSP.
Bagamat naiulat ng Philippine statistics authority (PSA) na bumilis ang pag-angat ng inflation at ito naman daw ay nasa BSP forecast sa pagitan ng 6.6 hanggang 7.4 percent.
Paliwanag pa ng BSP ito rin naman daw ay consistent sa kanilang assessment ng inflation na manatili sa above target.
maging daw sa maiksing panahon ay asahan pa rin daw ang mataas na inflation outlook.
Tinukoy pa ng bangko sentral na ang pressures sa presyuhan ay maari ring mangyari dahil sa higher global non-oil prices, transport fare hikes, epekto ng sama ng panahon sa mga food items, at mataas na presyuhan sa asukal.
Kasabay nito muling tiniyak ng BSP na handa silang kumilos upang magpatupad ng mga interventions upang maibsan ang impact sa supply-side at commodity prices.