-- Advertisements --

MANILA – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental nitong Sabado ng hapon.

Batay sa report ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang epicenter ng pagyanig sa 148-kilometers na karagatang bahagi ng Sarangani province.

Naitala ang lindol dakong alas-5:30 ng hapon, at may lalim na 340-kilometers.

“Tectonic” ang origin ng pagyanig ayon sa PHIVOLCS.

Naramdaman ang Intensity III sa General Santos City, habang Intensity II sa Monkayao, Davao de Oro.

Instrumental Intensity naman ang naitala sa Alabel, Sarangani.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naitalang danyos ang malakas na lindol.