Bea Rose In La Union

Magkakahalong paghanga at pangangamusta ang inaani ni Bea Rose Santiago kasunod ng pag-post nito ng larawan habang nasa beach sa La Union.

Bukod kasi sa suot na black bikini, marami ang nakapansin sa perm catheter na tila naging beach accessory ng 29-year-old Fil-Canadian beauty queen.

Ang perm catheter ay tinatawag din na permcath o dialysis catheter na ayon sa medical dictionary, ay nangangahulugang “long, flexible tube that is inserted into a vein most commonly in the neck, particularly the internal jugular vein.”

Bea Rose 5th titlehodler
(C) normannorman.com

Nabatid na isang dialysis patient si Santiago dahil sa kanyang chronic kidney disease na ibinunyag nito noong nakaraang taon.

“Guys, if you take pre-workout (drinks)… plus heavy workout, be careful! Apparently, there are many more like me! We damaged our kidneys because of our gym life!” babala nito sa kanyang mga followers.

Kung maaalala, si Bea Rose ang nakapagbigay sa Pilipinas ng pang-limang Miss International title noong 2013.