Magandang birthday gift ang natanggap ng isang 59-year old na babae mula BiƱan, Laguna matapos gumalin sa coronavirus disease (COVID-19).

Siya ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan, na na-admit sa Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center nitong Linggo, March 29.

Noong nakaraang Martes, March 24, nang salubungin ng gumaling na pasyente ang kanyang kaarawan habang naka-confine sa ospital.

Makikita sa Facebook post ng isang healthcare worker ng pagamutan na si Jeramie Bantanto ang pagsalubong iba pang staff ng ospital sa na-discharge na lola.

Sa huling data ng Department of Health, 42 na ang total recoveries mula sa mga naging pasyente ng COVID-19.