-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pamamahagi ng cash assistance sa mahigit 57 na estudyante sa University of Southern Mindanao Kidapawan City Campus sa University Social Hall.

Ito ay sa ilalim ng programa ng Commission on Higher Education (CHED) na “Tulong-Dunong” kasama ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP.

Ikinagalak naman ni Dr. Ronielyn Flores Pinsoy, USM-KCC Chancellor ang pagbisita ni Governor Mendoza dala ang mga programa lalong-lalo na sa edukasyon ng mga kabataan.

Ayon kay Governor Mendoza, “Education is very important to me,” kaya binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagsusumikap para sa magandang kinabukasan upang makatulong sa mga magulang.