-- Advertisements --

LA UNION – Umakyat na sa 57 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Ilocos region.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Department of Health Region 1 Medical Officer Dr. Rheuel Bobis, nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng La Union habang apat naman ang naitala sa lungsod ng Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan.

Nananatiling 33 ang recoveries sa Ilocos region habang nasa 12 na ang mga naitalang namatay dahil sa nasabing sakit.

Ipinapatupad na ngayon ng mga otoridad ang mahigpit na contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.