-- Advertisements --

CEBU CITY – Isinailalim kahapon sa Online General Orientation ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 7 ang 57 na mga bagong contact tracers para sa Danao City, Cebu.

Isinagawa sa Brgy. Looc covered court ng nasabing lungsod ang buong araw na pag-update ng sitwasyon at mga usapin sa pangangasiwa sa contact tracing.

Ang LGU Danao City na ang magpa-implement at magtrain sa mga ito.

Isa sa mahahalagang responsibilidad ng mga contact tracer ay ang pagsagawa ng case reviews,profiling at assessment.

Kahapon ang unang araw sa trabaho ng mga ito bilang mga contact tracer at mag-e-expire ang kanilang kontrata sa Disyembre 31, 2020.

Binigyang diin ng DILG ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa publiko sa mga contact tracer sa oras na tinupad nila ang kani-kanilang mga obligasyon.