-- Advertisements --

Nasa 56 katao ang nasawi sa malaking sunog sa ilang kabahayan sa Hanoi, Vietnam.

Kabilang sa mga nasawi ang ilang bata habang mayroong 37 iba pa ang nasugatan na dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Nakakulong na ang may-ari ng gusali kung saan nagmula ang sunog dahil sa paglabag nito sa fire-prevention regulations.

Binisita ni Prime Minister Pham Minh Chinh ang lugar at tiniyak niya tutulungan ang mga biktima.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng sunog.