Napa-throwback ang magkakapatid na Maxene, Saab at Elmo Magalona kasabay ng pagbati sa kaarawan ng yumaong ama at tinaguriang “Master Rapper” ng OPM na si Francis “Kiko” Magalona.

Nitong Biyernes nang ipagdiwang ng pamilya ni “Francis M” ang kanyang ika-55 sanang kaarawan.

Sa kanilang Instagram posts, ibinahagi ng magkakapatid ang dating larawan ng yumaong OPM rap icon.

Nagpasalamat ang mga ito sa kanilang ama na naging inspirasyon umano at malaking impluwensya sa kanilang mga buhay ngayon.

Kung maalala, March 2009 nang yumao si Francis M dahil sa sakit na leukemia.