-- Advertisements --

Nasa 55 banyagang pugante na sangkot sa mga serious crimes sa kanilang mga bansa ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon.

Ang pagkakaaresto ng mga ito ay kahit na mayroon pang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang mga pugante ay naharang sa iba’t ibang dako ng bansa sa pamamagitan ng Fugitive Search Unit (FSU) na nagsagawa ng surveillance at operations ng mga wanted foreigners.

Kabilang daw sa mga naaresto ay mga sex offenders, investment scammers, swindlers at telecommunications fraudsters na kinabibilagan ng 26 South Koreans, 10 Japanese nationals, siyam na Americans at anim na Chinese nationals.

Kasama pa rito ang isang Briton, Russian, Czech at Saudi national.

Ang mga high profile fugitives na naaresto ay walong Japanese nationals na naaresto noong Pebrero 2020 sa isinagawang raid sa kanilang kuwarto sa Laguna resort.

Naaktuhan ang mga itong nagsasagawa ng cyberfraud at voice phishing operations.

Lumalabas na milyong piso ang nakulimbat ng mga suspek sa kapwa nila Japanese sa kanilang pekeng racket.

Sinabi rin ni Morente na dahil sa mga umiiral na mga quarantine restrictions noong nakaraang taon ay mas kaunti raw ang mga alien fugitives noong nakaraang taon kumpara noong 2019 na 420 ang naaresto ng FSU ng BI.

Inaresto rin ng BI-FSU operatives sa Manila noong Enero 2020 ang tatlong Chinese nationals na sinasabing miyembro ng organisadong crime syndicate nag namemeke ng seal ng isang ospital sa China.

Nakulimbat naman ng mga suspek sa kapwa Chinese ang 10 million RMB o mahigit US$1.5 million katumbas ng humigit kumulang P75 million.

“Despite the challenges that the pandemic has brought to us, we still managed to apprehend high profile fugitives wanted for serious offenses by authorities in their home countries,” anang BI chief.

Sinabi naman ni Bobby Raquepo, Chief ng BI-FSU, ang pagkakaaresto ng mga banyaga ay isinagawa sa kooperasyon ng mga mga ito foreign counterparts ng pamahalaan.

Ang mga foreign counterparts daw ang nagbigay ng abiso sa mga otoridad ng bansa dahil sa mga krimen na nagawa ng mga banyaga sa kani-kanilang mga bansa.

“Fraud and economic crimes topped the crimes committed by these fugitives, followed by telecom fraud, cybercrime fraud, and sexual offenses,” ani Raquepo.