Karamihan pa rin sa mga Pilipino ang naniniwala na magbabago o gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan.
Ito ay batay sa resulta ng inilabas na survey, ng OCTA Research, sa pamamagitan ng Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey.
Sa resulta ng naturang survey, lumalabas na 55% ng mga adult Filipinos ay naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na anim na buwan, habang 36% ang naniniwalang hindi to magbabago.
4% na pporsyento naman ang naniniwalang lalo lamang papangit ang kalidad ng kanilang buhay.
Ayon sa OCTA, patuloy na umaangat ang optimisim ng mga Pilipino.
Nitong Marso kasi ay umaabot lamang sa 54% ang naitalang opitimisim, at sinundan ng panibagong 55%.
Sa representation ng bawat rehiyon, 57% ng mga tao sa NCR ay optimistic, 58% sa Balanced Luzon, at 58% sa MIndanao.
Ang naturang survey ay may margin of error na plus/minus 3%; habang nasa 95% naman ang confidence level.