-- Advertisements --
giannis

Sinayang lamang ng Indiana Pacers ang 54-point performance ni 2-time NBA MVP Giannis Antetolounmpo, matapos nilang pataubin ang Milwaukee, 126 – 124

Binabad ng husto si Giannis Antetoukounmpo sa buong game na umagaw rin ng 12 rebounds, maliban sa 54 big points na kanyang kinamada.

Nag-ambag din ng 19 points ang All Star na si Khris Middleton, sa pagkatalo ng Bucks.

Big night para sa Pacers ang naging panalo nito laban sa 2021 NBA Champion, dahil na rin sa double-double performance nina Tyrese Haliburton at Bennedict Mathurin.

Kumamada ng 29 points at 10 assists si Haliburton habang 26 points 12 rebounds naman kay Mathurin.

Ang bigman ng Pacers na si Myles Turner ay nag-ambag din ng 21 points 6 rebounds sa kanilang panalo.

Bagaman naging mas matatag ang depensa ng Bucks, nagawa ng Pacers na pangunahan ang opensa gamit ang magandang 3-pt shooting performance. Nagbuhos kasi ang Bucks ng dalawampung 3-pointers gamit ang 42.6 field goal percentage habang siyam na 3-pts lamang ang naiganti ng Bucks.

Pinahirapan naman ng Bucks ang Pacers sa ilalim ng paint kung saan 64 points ang naipasok nila sa loob nito kontra sa 40 points lamang ng Indiana.

Sa kasalukuyan, hawak ng Pacers ang 6 – 3 na kartada habang 5 – 3 naman sa panig ng Bucks.