Aabot na 54 ang bilang ng laboratoryo sa bansa sertipikadong magsagawa ng testing para sa coronavirus disese (COVID-19).

Batay sa data ng Department of Health (DOH), 41 mula sa nasabing total ang laboratoryong nagamit ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) machines. Ang 13 naman ay gumagamit ng GeneXpert machines.

Pinakabagong nadagdag sa listahan ang Ospital ng Imus sa Cavite, at Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center sa South Cotabato.

Sa ngayon may 141 na ibang laboratoryo ang nasa gitna ng proseso ng sertipikasyon. Ang 112 daw sa kanila ay nasa Stage 3 pataas na.

Tinatayang nasa halos 400,000 tests na raw ang nagawa ng certified laboratories, as of June 6, kung saa 7-percent ang positive results.

Nilinaw ng DOH na hindi pa kasali sa nasabing bilang ang datos mula sa 12 laboratoryo na hindi pa nakakapagpasa ng report.

Una nang sinabi ng Health department na umabot na sa 10,000 tests kada araw ang nagagawang COVID-19 tests ng certified laboratories.