-- Advertisements --

Patay ang 52 katao sa nangyaring malaking sunog sa isang juice factory sa Bangladesh.

Nagsimula ang apoy sa ground floor ng 6-storey Hashem Foods Ltd. factory sa Rupgang, Bangladesh.

Ayon kay deputy director of the fire service and civil defense Debhashis Bardhan lumakas ang apoy dahil sa mga flammable substances sa loob ng gusali kung kaya’t nahirapan ang mga bombero na iapula ang sunog.

Tatlong manggagawa ang namatay matapos tumalon na nagtamo ng maraming sunog sa katawan.

Inamin naman ng mga otoridad na nahihirapan sila na kilalanin ang identity ng mga namatay.

Maliban sa mga nasawi, nasa 25 katao naman ang na-rescue sa nangyaring trahedya.