-- Advertisements --
DAVAO CITY – Maliban sa muling pagpapatupad ng liquor ban sa Island Garden City of Samal (IGACOS), plano na ni IGACOS Mayor Al David Uy na ipatigil ang ilang malalaking aktibidad sa darating na holiday season.
Ito’y dahil pa rin sa banta ng coronavirus pandemic.
Ayon sa opisyal, temporaryong ipagbabawal sa Samal ang pagsasagawa ng fireworks display, Christmas party, debut at iba pang gatherings na maraming tao.
Aniyia, hindi ito ang panahon na magsaya lalo na at maraming buhay ang nawala ngayong taon dahil sa deadly virus.
Nabatid na epektibo kahapon hanggang sa Disyembre ang 24 hour liquor ban sa Samal upang masiguro na hindi pupunta sa isla ang mga residente ng Davao para lamang uminom ng alak.