Iniulat ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins.
Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na.
Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang nitong nakalipas na September 2022.
Ang naturang mga coins ay ginamitan ng machine at proseso sa pagsira upang hindi na magamit sa sirkulasyon at tuluyang ma-recycle.
Sa mga tinunaw na sira-sirang coins, nasa 70 percent o katumbas ay 364 metric tons ay mga unfit coins, 25 percent o nasa 128 metric tons ang mga napunit, 4 percent o 21 metric tons ay mga counterfeit, habang nasa 1 percent o may bigat na 7 metric tons ang mga demonetized na.
Ang pag-retire sa mga coins na hindi na magagamit ay nakabatay naman sa Republic Act (R.A.) No. 7653.