-- Advertisements --
Dumating na sa Afghanistan ang 500,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa India.
Ang mga bakunang AstraZeneca ay siyang unang dumating sa bansa habang hinihintay pa ang emergency approval mula sa World Health Organization bago ito ay tuluyang magamit.
Ayon kay Ghulam Dastagir Nazari, ang namumuno sa immunization program at health ministry ng nasabing bansa na itatago muna nila ang nasabing mga bakuna sa Kabul hanggang matanggap nila ang emergency authorization.
Unang mabibigyan ng bakuna ay ang mga health workers, security force members, guro at empleyado ng gobyerno.