-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa 500 information, education and communication (IEC) materials na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng kalamidad at sakuna ang natanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato mula sa Office of the Civil Defense XII nitong nakaraang lingo.

Ang nasabing mga IEC materials ay personal na iniabot ni OCD XII Infotmation Officer Jori Mae E. Balmediano kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Mercidita Foronda sa PDRRM Office, Amas, Kidapawan City.

Nagpasalamat naman si Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa OCD XII sa walang sawang tulong at suporta nito sa lalawigan ng Cotabato lalo na sa panahon ng kalamidad.