-- Advertisements --
LTO BOMBO

Nasa kabuuang 172 branch office ng Land Transportation Office sa buong bansa ang wala nang supply ng plastic cards para sa mga driver’s license.

Ang nasabing bilang ay halos 50% o kalahati ng kabuuang 350 branches na mayroon ang nasabing ahensiya sa buong bansa.

Ayon kay Land Transportation Chief Jose Arturo Tugade, sa kasalukuyan ay mayroon na lamang 83,490 na plastic cards ang naiiwan na maaaring magamit ng LTO.

Ang backlog o kakulangan dito aniya ay 234,149. Ibig sabihin, kukulangin ng hanggang sa 150,659 plastic cards sa bansa.

Ayon kay Sec Tugade, umaasa silang mapupunan ang kakulangan sa plastic cards sa pamamagitan ng pagbili mula sa mga siguradong suppliers.

Ayon kay Tugade, ang submission of bids para sa mga suppliers ay sisimulan nila sa darating na Mayo 24 at umaasang matatapos ang procurement process sa buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Nauna nang sinabi ni Tugade na ang problema sa Plastic Cards ay nadatnan na nila mula pa sa nakaraang administrasyon.