Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang sanhi sa naganap na aksidente sa Williamsburg, Virginia kung saan nasa 60 kotse ang nagbanggaan.

Wala namang naiulat na namatay sa naturang aksidente ngunit nasa 50 katao naman ang sugatan.

Ayon sa mga pulis, tinitingnan umano nilang posibilidad dito ang makapal na hamog at yelo sa daan.

Nangyari ang nasabing banggaan dakong 8:00 ng umaga sa westbound carriageway.

Umabot ng ilang oras bago matanggal ang mga kotse sa kalsada at buksan muli sa mga motorista.