Magdaragdag pa ng nasa 50 bus ang Department of Transportation (DOTr) sa EDSA Bus Carousel.
Sa sidelines ng Philippine Economic Briefing sa New York, sinabi ni DoTr Secretary Jaime Bautista na ang pagpapalakas sa pampublikong transportasyon ay parte ng solusyon para maresolba ang problema sa traffic congestion sa Metro Manila.
Nakipag-kita na rin aniya sila sa consortium na nag-ooperate sa EDSA Carousel at magdaragdag pa sila ng 50 bus para gawing 500 o mahigit pa ang mga buses upang mahikayat ang publiko na sumakay sa mga pampublikong transportasyon.
Hinikayat din ng DOTr official ang publiko na sumakay sa mga tren gaya ng Manila Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit (LRT) at sa mga bus kung maaari sa halip na dalhin ang kanilang sasakyan para mabawasan ang bilang ng pribadong sasakyan na bumabaybay sa EDSA.
Sa kasalukuyan, mayroong 450 buses ang bumabiyahe kada araw sa EDSA carousel.