VIGAN CITY – Patay ang isang lalaki sa nangyaring sunog sa isang ancestral house malapit sa Calle Crisologo o Heritage Village ng Vigan City, Ilocos Sur kaninang umaga.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang biktima na si Eric Hassan Singson Hernandez, 50-anyos, residente ng Barangay 1, Vigan City.

-- Advertisement --

Pinaniniwalaang hindi kaagad nakalabas sa nasusunog na bahay ang biktima dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sapagkat gawa lamang ito sa mga light materials.

Nagtagal ng halos dalawang oras ang pag-apula ng mga bumbero sa nasabing sunog bago idineklerang fire-out.

Masuwerte namang hindi nadamay ang katabi nitong hotel at mga kalapit-bahay nito.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng mga nasunog na ari-arian at kung saan nagsimula ang apoy.