-- Advertisements --
Kinilala ng Guinness Book of World Records ang isang 50-anyos na lalaki dahil sa pagbisita nito sa Disneyland ng halos 3,000 na magkakasunod.
Sinimulan ni Jeff Reitz ang pagbisita sa Anaheim Disneyland noong 2012.
Sa loob ng walong taon, tatlong buwan at 13 araw ay nakabisita ito ng 2,995.
Kuwento ng Huntington Beach, California residents na nagsimula ito bilang biru-biruan lamang noong 10-taon ang nakakalipas ng ianunsiyo ng parke na magsasagawa sila ng 24-hour event sa Leap Day.
Naisip niya na maari rin siyang manatili sa park sa loob 366 araw simula 2012.
Umabot pa sana ito ng 3,000 ang pagbisita nito subalit naputol noong Marsch 2020 ng pansamantalang magsara ang park dahil sa COVID-19 pandemic.