-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 15 38 56

Bilang biktima umano ng maling impormasyon at pagkokomento sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nais ngayon ni Ombudsman Samuel Martires na maparusahan ang mga taong sangkot sa mga ganitong gawain.

Una rito, sinabi ni Martires na naging biktima ito ng ilang media outfits na nag-report, nagkomento at nagkomentaryo sa kanyang SALN kaugnay ng kanyang P15 na kinita sa loob ng tatlong buwan na hindi manlang kinuha ang kanyang panig.

Dahil dito, nais ni Martires na maparusahan ang sino mang tao na nagkokomento sa SALN ng mga public officials ng limang taon.

Aniya, plano nitong ipanukala na amiyendahan ang Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa House committee on appropriations.

“So what I am proposing is to make stringent penalties that anyone who makes a comment on this SALN of a particular government official and employee must likewise be liable for at least an imprisonment of not less than five years,” ani Martires.

Una nang sinabi noon ni Martires na hindi na sila basta-basta naglalabas ng SALN dahil nagagamit daw itong dokumento sa extortion.

Nanindigan din itong hindi sila maglalabas ng kahit anong dokumento kaugnay ng kahilingan ng ilang indibidwal na ilabas ang SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.