-- Advertisements --

Patay ang limang na sundalo ng Israel matapos na tamaan ng sariling tanke nila sa northern Gaza.

Base sa inisyal na imbestigasyon na pinaputukan ng dalawang tanke nila ang gusali sa Jabalia refugee camp kung saan nagtitipon ang mga sundalo.

Bumalik ang mga sundalo sa lugar matapos ang isang linggo noong sila ay umalis.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) na ang mga limang sundalo ay nakatalaga sa 202nd Batallion ng Paratroopoers Brigade.

Mayroong pitong iba pang mga sundalo ang nasugatan sa insidente.

Umabot na sa mahigit 35,000 ang nasawi sa Gaza mula ng sumiklab ang nasabing kaguluhan.